Mga PWD sa lungsod ng Makati, makakatanggap ng ₱1,000 cash assistance at food packs

Simula ngayong araw ay makakatanggap ng 1,000 pesos cash assistance at food packs ang mga person with disability (PWD) sa lungsod ng Makati.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, ang cash assistance ay ibibigay sa pamamagitan ng paymasters habang door to door naman ang pagkain.

Layon ng programa na matulungan ang aabot sa 13,181 PWDs sa lungsod ng Makati na karamihan ay lumalabas pa ng bahay.


Samantala, tiniyak ni Barangay Chairman Narciso Ramson ng Barangay 137 Zone 15, Pasay City ang tulong at ayudang ibinibigay nila sa mga residente sa kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Pero ayon kay Ramson, hindi pa nila nabibigyan ang lahat ng residente dahil may natitira pang 500 pamilya na kailangang bigyan ng relief goods.

Facebook Comments