Pagtanggap ng COVID-19 positive ng PGH COVID-19 Referral Center, umarangkada na

48

Nagsimula na ngayong araw ang operasyon ng COVID-19 Referral Center sa Philippine General Hospital (PGH).

Pero ayon kay PGH Spokesman Dr. Jonas Del Rosario, tanging ang mga pasyenteng positibo sa COVID-19 ang tatanggapin sa kanilang referral center.


Sa pamamagitan kasi, aniya, nito ay mapipigilan nila ang pagkalat ng sakit sa mga pasyenteng nagtutungo sa ospital.

Kasabay nito, nilinaw naman ni Del Rosario na tuloy pa rin ang operasyon ng PGH sa lahat ng pasyente sa kabila ng operasyon ng COVID-19 referral center.

Facebook Comments