Cauayan City, Isabela – Mahigit 150 mag-aaral na may kapansanan sa paningin at pandinig ang nakilahok sa isinagawang special movie screening.
Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan News Team, ginanap ang movie screening noong araw ng Martes Disyembre 12, 2017 sa SM City Cauayan kung saan itinanghal ang pelikulang “Oz The Great and Powerful”.
Mula sa nakagawiang full dark light ay ginawang mas maliwanag ang mga ilaw sa loob ng sinehan at bahagyang hininaan ang volume ng ipinalabas na pelikula.
Meron ding mga audio-descriptions at sub-titles na ipinaloob sa bawat eksena upang higit na maunaawaan ng mga manonood ang istorya ng pelikula.
Ang nasabing special movie screening ay isa sa mga programa ng SM Cares na ang layunin ay maranasan din ng mga Person With Disabilities (PWD) ang mga kaganapan at mga libangang nasa loob ng Mall.
Ang ilan sa mga paaaralang nakatanggap ng imbitasyon sa special movie screening ay ang Isabela School for the Deaf ng Ilagan City, at ang SPED Class ng San Mateo Elementary school.