Mga PWD’s, Hindi Nagpahuli sa 100 Meter Run!

Tuguegarao City – Nakipagsabayan sa larangan ng pagtakbo ang mga Persons With Disability (PWD’s) sa ginanap na 100 meter run sa CAVRAA pasado alas singko ng hapon, Pebrero 24, 2018.

Kabilang sa mga lumahok ay ang mga may kapansanan sa paningin, pandinig at mga intelectually disabled person na nasa edad 15 hanggang 25.

Tinatayang nasa mahigit kumulang isangdaan ang lumahok at 12 sa mga ito ay mula sa Isabela Division.


Sa impormasyong ibinahagi ni coach Roda Acupido ng Isabela Division, sisikapin umano ng kanilang koponan na makasungkit ng mas mataas na tropeo.

Aniya, nasa 4th place umano ang Isabela Team noong nakaraang taon kung kaya’t kanilang pinaghandaan ang palaro ngayong taon upang makuha ang mas mataas na pwesto at gantimpala.

Samantala, para sa kaligtasan naman ng nga PWD’s ay isinailalim din ang mga kalahok sa medical assessment upang malaman kung sila ay kwalipikado sa paglalaro.
Ngayong araw naman nakatakdang malaman ang resulta ng larong 100 meter run ng mga PWD’s.

Facebook Comments