Mga qualified voter, hinimok ng COMELEC na gamitin ang mga pilot testing para sa register anywhere project

Hinihikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga qualified voter na tangkilikin ang pilot testing para sa kanilang Register Anywhere project.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni COMELEC Spokesperson Atty. Rex Laudiangco na sa ilalim ng proyektong ito, ang mga nakatira sa probinsya na walang pagkakataong makauwi para magkapag-parehistro ay maaari nang magparehistro sa Metro Manila.

Simula aniya December 17, 2022 hanggang January 23, 2023, magkakaroon ng booth ang COMELEC sa Mall of Asia, SM Fairview, SM Southmall, Robinsons Galleria, at Robinsons Place Manila para dito.


Sa mga nasabing lugar aniya ay kukuhanan ng litrato at biometrics ang mga magpaparehistro.

Ang COMELEC na aniya ang magpapadala ng kanilang election registration sa kanilang munisipyo.

Dagdag pa ng opisyal, maganda ang programang ito lalo na para sa mga mag-aaral o mga nagtatrabaho sa Metro Manila, na hindi makauwi sa kanilang lalawigan.

Facebook Comments