Nadagdagan pa ang mga quarantine control points na nakalatag sa ibat ibang lugar sa bansa para pa rin bantayan ang mga lumalabag sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sinabi ito ni joint task force COVID Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar sa harap ng pagpapalawig pa ng ECQ hanggang April 30, 2020.
Aniya, umaabot na ngayon sa 3, 593 na mga quarantine control points ang inilagay sa ibat ibang lugar sa bansa.
Ang mga quarantine checkpoints na ito ay minamanduhan ng mga pulis at iba pang miyembro ng JTF COVID shield.
Nakatutok silang sumita sa mga pribadong sasakyan at indidbiwal na hindi otorisadong bumyahe o lumabas ng bahay ngayong panahon ng quarantine.
Samantala naka set up na rin ngayon ang 107 na mga Dedicated Controll Points (DCPS) sa buong bansa.
Ang DCPS ay nakatutok naman sa byahe ng mga cargo vehicles para hindi maantala ang delivery ng mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.