Mga raliyista at Marcos supporters, hiwalay ang venue sa inagurasyon ni BBM

Magkakaroon ng magkahiwalay na venue para sa mga raliyista at tagasuporta ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos sa inagurasyon nito mamayang tanghali.

Ito ang napagkasunduan sa last-minute dialogue ng Manila Police District (MPD) at ng grupong Bayan Muna kaninang umaga upang maiwasan ang posibleng gulo sa pagitan ng magkabilang grupo.

Ayon kay Manila Police District (MPD) chief Police Brigadier General Leo Francisco, sa Plaza Miranda pu-pwesto ang mga magsasagawa ng kilos-protesta habang ang Marcos supporters ay mananatili sa Liwasang Bonifacio.


Bago ito, matatandaang pinayagan ng pulisya na kapwa gamitin ng mga pro at anti-Marcos ang mga freedom park sa Maynila kabilang ang Liwasang Bonifacio, Plaza Miranda, Plaza Dilao at Plaza Moriones.

Nabatid na may kapasidad na 5,000 indibidwal ang Liwasang Bonifacio; 1,000 ang Plaza Dilao; 500 hanggang 700 ang Plaza Miranda at 500 ang Plaza Moriones.

Facebook Comments