Mga raliyista sa Hong Kong, sinunog ang main entrance ng university campus

Sinunog ng mga raliyista ang main entrance ng Hong Kong Polytechnic University Campus para hindi makapasok ang mga otoridad.

Ayon sa ulat, nagbanta ang mga pulis na papaputukan nila ang mga raliyista kaya bilang tugon ay hinarangan nila ito ng apoy sa entrance ng unibersidad.

Nabatid na halos mag-aanim na buwan na ang nasabing malawakang protesta sa Hong Kong dahil sa bigong maibigay ng gobyerno ang hiling ng mga raliyista.


Kabilang na rito ang free election at ang kalayaan ng nasabing bansa sa kamay ng gobyerno ng China.

Facebook Comments