Mga re-eleksyunistang senador, magdaraos ng proclamation rally

February 13, 2019 | Magdaraos ng proclamation rally sa bahagi ng Zaragoza St., Barangay 20, Tondo, Maynila ang ilang re-eleksyunistang senador.

Kinabibilangan ito nina Senator Grace Poe, Cynthia Villar, Sonny Angara at JV Ejercito.

Dadalo din sa event si Senate President Tito Sotto III.


Bago ito ay makikiisa muna sina Senators Ejercito at Angara ngayong umaga sa aktibidad ng Hugpong ng Pagbabago o HNP sa Mariveles, Bataan.

Samantala, si re-electionist Senator Bam Aquino naman at ang buong ticket ng liberal party ay may nakatakdang motorcade ngayong umaga sa Iriga City na masusundan ng pakikipagdiyalogo nila sa mga estudyante ng Camarines Sur Polytechnic College.

Facebook Comments