Mga rebelde, dapat i-reconsider ang kanilang loyalty kay Joma Sison – PRRD

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rebeldeng komunista muling isaalang-alang ang kanilang katapatan kay Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison.

Iginiit ni Pangulong Duterte – hindi dapat naghihirap at nag-aalay ng buhay ang mga rebelde sa isang tao na hindi naman nila nakikita.

Ayon sa Pangulo si Sison ay nagpapakasasa sa komportableng pamumuhay sa The Netherlands matapos ang kanyang self-exile noong 1987 habang kanyang mga tagasunod ay naghihirap at namamatay.


Banat pa ng Pangulo – masyadong nagmamagaling si Sison at tila alam ang mga dapat gawin sa pamumuno ng bansa.

Matatandaang binuo ni Sison ang CPP noong 1968 bilang pagtutol sa mga polisiya at umano ay pag-abuso sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Facebook Comments