Mga rebelde sa Mindanao, resulta ng kapabayaan ng mga nakaraang administrasyon

Manila, Philippines – Naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na kaya marami ang nagrerebelde at sumamasama sa terorismo sa Mindanao ay dahil sa kapabayaan ng mga nagdaang administrasyon sa sitwasyon sa Mindanao.

Ito ang sinabi ni Panelo sa harap na rin ng pagkwestiyon ng ilang mambabatas sa martial law sa buong Mindanao sa Korte Suprema.

Ayon kay Panelo, hindi talaga maaaring sa Marawi City lang ang ipinatupad na martial law dahil ang mga rebelde at terorista ay kalat sa buong Mindanao at marami aniya ang mga ito.


Paliwanag ng kalihim, lumala ang problema sa Mindanao dahil hindi natutukan ng mga nakaraang administrasyon ang kalagayan ng nga taga mindanao at na nagresulta sa pagdami ng mga sumasali sa rebeldeng grupo o sa teroristang grupo.

Matatandaan na makailang beses nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagagandahin niya ang Mindanao at bubuhusan ito ng mga proyekto na makapagpapaganda ng buhay ng mga taga-Mindanao.
DZXL558

Facebook Comments