Mga regular taxi, makikipagsabayan na sa Grab at Uber

Manila, Philippines – Makakasabay na ang mga regular taxi sa Transport Network Vehicle Services (TNVS) o mas kilala sa tawag na Grab at Uber dahil magkakaroon narin sila ng online booking o booking apps.

Sa ekslusibong panayam ng DZXL RMN 558 kay LTFRB Chairman Martin Delgra sa Government in Action sinabi nito nuong isang taon pa nila pinag-iisipan na maisali sa booking apps ang mga regular na taxi.

Sa katunayan nakikipag pulong na sya sa samahan ng Davao taxi para sa pilot testing.


Katunayan mayroon ng mga nagpipresenta sa LTFRB na mga IT Companies para makapagprovide ng nasabing mobile apps.

Paliwanag ni Delgra, layunin nitong mas maging magaan ang byahe ng mga pasahero, mas maging ligtas ang mga ito dahil andoon na ang profile ng taxi driver at nakasaad na rin kung magkano ang kanilang babayarang pamasahe.

Maiiwasan na rin dito ang kadalasang naririnig ng mga commuters mula kay manong taxi driver na ‘matrapik kaya magdagdag na lang kayo ng pamasahe’.

Facebook Comments