Mga rehiyon sa bansa na nasa moderate risk category dahil sa COVID-19, dalawa na lamang

Dalawang rehiyon na lamang sa bansa ang nasa moderate risk category dahil sa COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Sec. Franciso Duque III, kinabibilangan ito ng Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR).

Nasa “low-risk” classification naman ang iba pang rehiyon sa bansa dahil sa mababang kaso ng COVID-19.


Sa ngayon, nasa low-risk category na sa COVID-19 ang Pilipinas dahil sa mababang kaso ng naitala mula sa November 3 hanggang 9.

Sinabi naman ni Duque na gumaganda na rin ang healthcare utilization maging ang mechanical ventilator utilization rates.

Facebook Comments