Mga reklamo laban kay VP Sara, ipinauubaya ng Malacañang sa DOJ

Ipinauubaya na ng Malacañang sa Department of Justice (DOJ) ang mga reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, bagaman’t alam nila ang tungkol dito ay hindi nila napag-uusapan ang bagay na ito.

Hindi aniya maaaring turuan ang DOJ kung ano ang dapat gawin dahil tungkol ito sa criminal investigation.


Samantala, tumanggi namang magkomento si Bersamin sa naging pahayag ng VP Sara na hindi ito sangkot sa assassination plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nasa kamay na rin ng mga imbestigador ang usapin sakaling mabigyang pansin ang reklamo.

Matatandaang inihain ng NBI sa DOJ ang reklamong inciting to sedition at grave threat laban kay VP Sara Duterte kaugnay ng umano’y bantang pagpatay kina Pangulong Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez.

Facebook Comments