Mga reklamo sa Child Car Seat Law, motor vehicle inspection system at pagsusuot ng face mask sa pribadong sasakyan, dinidinig ngayon ng Senado

Umarangkada na ang pagdinig ng Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senator Grace Poe ukol sa mga reklamo sa Child Car Seat Law gayundin sa motor vehicle inspection system o MVIS at sa utos ng inter agency task force na magsuot ng face mask ang mga sakay ng pribadong behikulo.

Ayon kay Poe, kailangang mabusisi ang operasyon ng mga private motor vehicle inspection centers o P-M-V-I-C makaraang umangal ang mga motorista sa napakataas na bayad sa nasabing mga inspection centers.

Kumbinsido si Poe na maganda nag intensyon ng programa pero ang problema ay masyadong malaki ang singil kaya pahirap sa mga motorista tulad ng mga pumapasadang trycicle at hindi rin maganda ang timing ng implementasyon nito sa gitna ng pademya.


Samantala, kahit ipinagpaliban ang implementasyon ay tatalakayin din ng komite ang Child Safety in Motor Vehicles Act upang mausisa ang implementing agencies kung paano nila inihahahand ang publiko sa dagdag gastos pambili ng booster seat habang may pandemya.

Kaugnay naman sa utos ng Inter Agency Task Force na magsuot ng face mask ang sakay ng pribadong behikulo ay naunang sinabi ni Poe na hindi ito makatwiran at hindi praktikal.

Ayon kay Poe, pagkakataon itong pagdinig para maipaliwanag sa mamamayan kung bakit kailangang magsuot ng face masks sa loob private vehicles lalo na kung magkakasama naman sa iisang bahay ang laman ng saskyan.

Facebook Comments