Mas mataas raw ngayong taon ang mga reklamong pang-aabuso na natatanggap ng Violence Against Women and Children sa Bonuan Gueset kumpara noong mga nakaraang taon.
Nakatatanggap umano ang opisina ng VAWC ng hanggang dalawang reklamo kada linggo kung saan kadalasan ay emotional abuse patungkol sa suporta sa mga bata, away mag-asawa at kaso ng physical abuse.
Ayon sa panayam ng IFM Dagupan kay Bonuan Gueset VAWC Officer Rhodora Sampaga, nagrerequest naman ng Barangay Protection Order sa kanilang opisina ang mga kababaihan at mga batang nakararanas ng iba’t ibang klase ng pang-aabuso.
Patuloy rin naman ang pagmomonitor at pakikipag-ugnayan ng PNP Dagupan para sa kaligtasan at kapakanan ng mga kababaihan at kabataan sa kanilang Barangay. |ifmnews
Facebook Comments