NAPADALHAN NG SHOW CAUSE ORDER NAMGA KANDIDATO PARA SA BSKE SA PANGASINAN, UMABOT NA NG 122

Pumalo na ng mahigit isang daan ang mga napadalhan ng Show Cause Order na mga kandidato para sa BSKE sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, as of October 9 ay nasa 122 na ang kanilang pinagpapaliwanag dahil sa isyu ng Premature Campaigning.
Halo – halo na aniya ito sa hanay ng mga kandidato sa SK at maging sa Barangay Elections kasama ang mga incumbent.

Ayon kay Salas kadalasan sa mga nakikitang paglabag ay maagang pangangampanya lalo sa Social Media.
Bibigyan naman ng tatlong araw upang magpaliwanag ang mga napadalhan ng Show Cause Order upang malaman ang magiging desisyon ng COMELEC kaugnay dito. |ifmnews
Facebook Comments