Pinanatili muna ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residenteng nakatira malapit sa Taal Volcano sa kani-kanilang mga bahay muna at isara ang mga pinto at bintana.
Kasunod na rin ito ng sulfuric emission na inilalabas ng Bulkang Taal sa mga nakalipas na araw.
Ayon kay bagong talagang Department of Science and Technology Secretary (DOST) at PHIVOLCS chief Renato Solidum, nakaranas ng pagkaamoy ng sulfur dioxide ang ilang barangay sa bayan ng Agoncillo, Laurel, at Talisay sa Batangas.
Aniya, nagkaroon ng pag-irita sa mata at lalamunan ng mga residente dahil sa maraming ibinugang sulfur dioxide gas mula sa main crater ng Taal.
Bukod sa pag-iwas sa pagpunta sa bulkan, pinayuhan ni Solidum ang mga residente na pangalagaan nila ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng pananatili sa kanilang kabahayan o gusali.