Iconic teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano”, nagtapos na matapos ang pitong taong pag-eere

122

Matapos ang pitong taong pagbo-broadcast, opisyal nang nagwakas ang iconic teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin bilang Cardo Dalisay.

 

Aabot sa 536K live viewers ang nairecord sa Youtube sa pagtatapos ng primetime drama action series.

 

Sa huling gabi, pinatunayan ni Cardo Dalisay ang pagiging imortal kung saan nabuhay pa rin siya sa kabila ng sangkatutak na mga balang tumama sa kanyang katawan mula sa naglalakihang baril na gamit ng kanyang mga kalaban.


 

Maliban sa mga karakter nina Coco at Rowell Santiago, namatay ang lahat ng mga miyembro ng Task Force Agila, pati na ang mga kontrabidang sina John Arcilla at Raymond Bagatsing.

 

Samantala, binigyan naman ng importansiya sa huling kabanata ang karakter ni Susan Roces na si Lola Flora kung saan ipinakita ang mga eksena niya noong nabubuhay pa siya.

 

Binigyan din ng pagpapahalaga si Sharon Cuneta sa pagwawakas, maging ang biglang paglitaw ni Julia Montes na nali-link ngayon kay Coco.



Facebook Comments