Mga residente malapit sa coastal areas sa Visayas at Mindanao, pinag-iingat dahil sa sama ng panahon

Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Philippine Coast Guard ang mga residente mula sa mga Coastal Areas o mga nainirahan sa mga dalampasigan ng ibayong pag-iingat kaugnay ng binatantayang epekto ng pumasok na Low Pressure Area o namumuong sama ng panahon sa Visayas at sa Mindanao.

Ipinag utos ni OIC PCG Commodore Joel Garcia na ilagay sa alerto ang kanilang mga Rescue Unit gayundin ang mga assets na magagamit sa mga panahong ganito gayundin ang maagap na pagbibigay babala lalung lalu na sa mga maliliit na sasakyang pandagat na iwasan na mula ang paglalayag sa mga tatahaking lugar ng Low Pressure Area.

Kabilang sa mga lugar na binabantayan ng Philippine Coast Guard dahil sa epekto ng sama ng panahon o ng matinding pag ulan at mga pagbaha ang Samar, Leyte, ilan pang bahagi ng Visayas, Caraga at Davao.


Pinag-iingat din ang mga naninirahan sa Hilagang Mindanao, Zamboanga Peninsula , ARMM at SocSarGen.

Facebook Comments