Mga residente na apektado ng malaking sunog sa Mandaluyong kahapon, nananatili pansamantala sa 3 covered court

Inihayag ng Mandaluyong City Government na 3 covered court, ang ipinagamit muna ng pamahalaang lungsod para sa kanilang pansamantalang tuluyan dahil sa dami ng mga indibidwal na apektado ng malaking sunog sa Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong City kahapon

Kasama sa Evacuation Centers na ginagamit ngayon ang Molave Court na nagsisilbing main evacuation center, block 12 covered court at Sakatuki covered court.

Mayroon ditong Modular tent na naka-set up at may sleeping kit din para sa mga apektadong residente.


Ayon kay Brgy. Addition Hills Chairman Carlito Cernal, sasagutin muna ng barangay ang pagkain at inumin ng mga nasunugan habang problemado pa sila matutuluyan.

Samantala, magsasagawa naman ng inspeksyon ngayong araw ang city and social welfare and development ng Mandaluyong sa mga bahay na nasunugan.

Ito’y para sa damage assessment at malaman kung ilan ba talaga ang naapektuhan ng sunog.

Facebook Comments