Inihayag ni Dave David, Chief ng Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) Rescue 161, umabot ng 30 pamilya ang inilikas bunsod ng pataas ng level ng tubig sa Marikina River.
Ayon kay David, 25 na pamilya o 120 indibiduwal ang dinala sa Malanday Elementary School at 5 pamiliya o 20 individuals ang dinala naman sa H. Bautista Elementary school.
Aniya, nagsimulang lumikas ang mga pamilya pasado alas-3:00 kaninang madaling araw bilang preemptive procedure ng lungsod kung sakaling lumagpas sa normal na level ang tubig sa nasabing ilog.
Pasado alas-8:00 naman aniya nagsimulang mag-uwian sa kanilang mga bahay ang mga lumikas na pamilya.
Dahil dito, sinabi niya na hindi na magbibigay ng ayuda ang pamahalaang lungsod pero ipapadala naman nila ang mga kawani ng City Social Welfare and Development upang matiyak na ligtas ang mga ito.
Pasado alas-1:16 ng madaling araw nang tumaas ang level ng tubig sa Marikina River na umabot ng ikalawang alarma bunsod ng magdamag na pagbuhos ng ulan.
Sa ngayon, mataas nalang ng 1 meter ang level ng tubig ng nasabing ilog mula sa normal na level nito na 14 meters.