Mga hog raisers, kinukumbinsi ng DA na kumuha ng insurance

Hinimok ni Agriculture Secretary William Dar ang mga backyard at commercial hog raisers na kumuha ng insurance packages sa Philippine Crop Insurance Corporation ng Department of Agriculture (DA).

Makakatulong aniya ito na makabawi sa kanilang investment sakaling maapektuhan sila ng African Swine Fever (ASF).

Paliwanag ng kalihim, isinama na ng DA-PCIC ang ASF sa mga peligro na saklaw ng kanilang livestock insurance mula nang mamerwisyo ito bago pa ang taong 2019.


Nagbibigay ang PCIC ng Php 10,000 insurance coverage sa bawat baboy na may premium payment lang na 2.25% o P225.

Bibigyan din ng libreng insurance ang mga maliliit na backyard hog raisers kung nakalista sila sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Facebook Comments