Mga residente na nakatira sa mga mababang area na tumbok ng bagyong Kiko, pinaalalahanan ng NDRRMC

Manila, Philippines – Nagbabala ang pamunuan ng national Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa mga residenteng nakatira sa mga lugar na tumbok ng bagyong Kiko.

Sa ulat ng NDRRMC ang mga lugar na posibleng makaranas ng malakas na paghangin at pag-ulan ay Cagayan, Ilocos Norte, Apayao, Batanes at Babuyan Group of Island dahil sa bagyong Kiko.

Agad namang nagpalabas ng direktiba ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa pamamagitan ng kanilang Office of Civil Defense Regional Offices sa buong Luzon na agad na magsagawa ng pre-emptive evacuation sa kanilang nasasakupan kung kinakailangan.


Partikular na inutusan ng NDRRMC ay ang mga opisina nilang ang mga lugar ay may mga residenteng nakatira sa mga mababang lugar.

Sa ngayon patuloy na naka-monitor ang NDRRMC sa sitwasyon sa mga lugat na nakakaranas ng epekto ng bagyo para agad na makapag-responde.

Facebook Comments