Isang lalaki sa Germany, na-break ang sariling record sa pagbibitbit ng mugs ng beer

Germany – Isang lalaki ang naka-break ng sarili nitong record sa pagdadala ng mga mugs na may lamang na beer.

Si Oliver Struempfel na mula sa Bavaria ay sinubukang bitbitin ang nasa 31 na mugs at lumakad ng 40 meters saka niya ito binaba ng dahan-dahan.

Pero dahil sa dalawang mug ang may natapon na beer, naitala lamang ni Oliver ang 29 na mugs na siya naman tumalo sa dati nitong record na 25 mugs noong 2014.


Ayon kay Oliver, buwan pa lamang ng Pebrero ay kaniya na itong pinaghahandaan at araw-araw siyang nagpupunta ng gym para ma-break nito ang kaniyang dating record.

Facebook Comments