Nanindigan si Barangay Kabayanan M.C. Ver Neighborwood Association Chairman Raymond Alzona na hindi sila aalis sa kanilang lugar matapos planong magsagawa ng illegal demolition sa Col. Ver Street, Barangay Kabayanan, San Juan City.
Sa ginawang Press Conference sa San Juan sinabi ni Alzona na pinangangambahan nila ang kanilang buhay dahil sa lulusubin sila bitbit ang mga maso, kutsilyo, Icepick at mga mahahabang armas kasama ang mga Sherif na si Edwardo Bolima at Mark Silvestre noong lunes Mayo 20 kung saan nais ng mga residente na mapanatili na mapareserba ang Burol Kabayanan Network sa San Juan City.
Una ng nagpahayag ng pagsuporta ang bagong halal na nanalong officials sa San Juan City sa mahigit 500 families o katumbas 2,000 individuals na apektado ng nakaambang demolition sa 3,786 square meters sa lupa ng Burol, Barangay Kabayanan sa San Juan City.
Tinuro ng mga residente ang mga natalong kampo ng mga Estrada sa pamumuno ng Out going San Juan City Mayor Guia Gomez, Senator JV Ejercito at Manila Mayor Joseph Estrada sa naturang nakaambag demolition.
Naniniwala ang mga residente na ang mga dokumento na bitbit ng mga magsasagawa ng demolition ay pawang mga peke umano kayat plano nilang magsasampa ng kaso sa Korte upang mapatunayan kung lehitimo ang mga hawak nilang mga dokumento.