Mga residente ng Baseco sa Maynila, muling pinakiusapan na lumikas

Muling umaapela ang Manila City Government sa mga taga-Baseco sa Maynila na lumikas na kaugnay ng bantang pananalasa ng Bagyong Tisoy.

Una nang ipinag-utos ng Manila City Government ang preemptive evacuation sa mga residente ng Baseco pero sa ngayon ay mangilan-ngilan pa lamang na mga residente ang tumatalima.

Ayon kay Christina Gemenez, ang in-charge sa Baseco Evacuation Center, sa ngayon ay isang pamilya pa lamang ang nasa evacuation center.


May mga residente aniya kasi na tumatanggi na lumikas sa takot na manakawan habang ang iba ay sanay na raw sa kalamidad.

Nagbabahay-bahay naman ang mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office para personal na himukin ang mga residente na magsilikas na, lalo na ang mga nakatira malapit sa dagat.

Facebook Comments