Mga Residente ng Cabarroguis, Quirino, Ipinagbawal na Magtungo sa Solano at Bayombong

*Cauayan City, Isabela- *Ipinag-utos ni Mayor Willard Abuan ng bayan ng Cabarroguis na pansamantala munang ipinagbabawal ang pagbiyahe ng lahat ng mga kababayan sa dalawang bayan na may mataas na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Nueva Vizcaya.

Batay sa Executive No. 94 Series of 2020 na inilabas at nilagdaan ng alkalde, nagsimula nang ipatupad kahapon, September 9, 2020 ang travel ban patungo sa mga bayan ng Solano at Bayombong.

Magtatagal ang nasabing kautusan hanggang September 18, 2020.


Ito’y dahil sa patuloy na pagdami ng mga nagpopositibo sa COVID-19 at sa *nangyayaring community transmission* ng coronoavirus disease sa mga naturang lugar.

Samantala, patuloy pa rin ang pagpapaalala ni Quirino Governor Dakila Carlo Cua sa mga Quirinians na mag-ingat, sumunod sa health protocols, at ipagdasal ang mga tinamaan ng virus para sa kanilang agarang paggaling.

Facebook Comments