Mga residente ng Catanduanes na naapektuhan ng Bagyong Rolly, nakatanggap ng tulong sa PRC

Patuloy ang pagbibigay ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga komunidad na tinamaan ng malalakas na bagyo sa bansa noong nakataang taon.

Matapos na mabigyan ng mga materyales para sa pagtatayo ng kanilang mga tahanan na winasak ng Bagyong Rolly, nagbigay naman ngayon ng cash assistance ang PRC para sa kabuhayan ng 163 pamilya sa Barangay Pagsangahan at Katipunan sa San Miguel, Catanduanes.

Kasabay nito, binigyan-diin ni PRC Chairman at CEO Sen. Dick Gordon na layon nitong matulungan sila na makahaon sila at ang kanilang kabuhayan mula sa pananalasa ng bagyo.


Nasa P10,000 na cash assistance ang ibinigay ng PRC para sa pagsisimula ng kanilang kabuhayan.

Facebook Comments