Mga residente ng Gibraltar, pinayagan nang lumabas ng tahanan nang walang suot na face mask

Pinapayagan na ng awtoridad na makalabas ng kanilang tahanan ang mga residente ng Gibraltar nang walang suot na face mask.

Ito ay matapos maturukan ng bakuna kontra COVID-19 ang mayorya sa kanilang populasyon habang 10 na lamang ang aktibong kaso sa kanilang lugar.

Sa kabila nito, nilinaw ng otoridad na kailangan pa ring magsuot ng face mask kapag sumasakay sa pampublikong sasakyan o kapag pupunta sa mga shopping mall.


Ikinatuwa naman ito ng ilang residente dahil indikasyon ito na bumabalik na sa normal ang kanilang kapaligiran.

Facebook Comments