Nagbabala si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa kanyang constituents kaugnay ng ‘second wave’ sa US at Europe ng COVID-19 infections.
Ayon kay Moreno, dapat na manatiling maingat ang publiko bagama’t bumagal na ang pagkalat ng virus sa bansa.
Sinabi ng alkalde na hindi dapat maliitin ang sitwasyon sa Europa, at sa halip ay dapat itong gamitin na paalala na nananatili pa rin ang panganib.
Dapat din aniyang ipagpatuloy ang mass testing hindi lamang sa mga residente ng Maynila kundi maging sa mga taga-labas ng lungsod.
Hindi aniya ito ang panahon para maging makasarili at sa halip ay kailangan ang pagtutulungan.
Facebook Comments