Mga residente ng mga lugar na tinamaan ng lindol, hindi pababayaan ng pamahalaan

219

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi pababayaan ng Pamahalaan ang mga residenteng naapektuhan ng malakas na Lindol sa Visayas Region.
Ayon kay Presidential Spokesman Enresto Abella, nakikiramay sila sa pamilya ng mga namatayan at nakikiisa naman aniya sila sa mga nasugatan sa kalamidad.
Tiniyak ni Abella na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang mabilis na maibalik sa normal ang buhay ng mga residente na apektado ng Lindol.
Umaasa aniya silang mananaig parin ang pagiging matatag ng mga Pilipino sa harap ng naranasang kalamidad at tiyak aniyang muling tatayo ang lahat pautungo sa mas magandang hinaharap.

Facebook Comments