Manila, Philippines – Hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang mga residente ng Mindanao na manatiling kalmado matapos na maramdaman ang 6.6 magnitude na lindol sa ilang lugar ng Regions 9, 10, 11, at 12.
Ayon kay PNP spokesperson Brigadier General Bernard Banac, inatasan na ni PNP officer In Charge Archie Gamboa ang lahat ng Police Regional Directors na agad na paganahin ang lahat ng kanilang resources para makatulong sa mga naapektuhan ng lindol.
Inatasan rin ni Gamboa ang mga PNP Regional Directors na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaang at RDRRMC para matukoy ang anumang pangangailangan.
Naniniwala si Banac na ang pananatili ng pagiging kalma sa ganitong panahon ng kalamidad ay malaki ang maitutulong para mapanatili ang peace and order sa Mindanao.