Inihayang ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa na kaya nilang magbigay ng food assistance sa kanilang mga residente ng tatlo hanggang apat ba buwan.
Ayon kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, mayroong sapat na pondo ang Muntinlupa upang magbigayan ng mga basic commodities ang mga mahihirap at mga displaced worker na residente ng nasabing lungsod dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Aniya, nitong nakaraang araw, nagsimula na silang mamigay ng 1,500 grocery packs sa ng Barangay Poblacion.
Target anya ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa na makapagbigay ng 8,000 grocery packs sa bawat barangay ng kanyang lungsod.
Sa ngayon, batay sa tala ng Muntinlupa City Health Office, mayroon na itong 96 Persons Under Monitoring (PUM), 45 Persons Under Investigation (PUI), at tatlong confirmed cases ng nasabing virus sa Lungsod ng Muntinlupa.