Umabot na ng 2,472 residente ng Muntinlupa ang nais magpabakuna kontra COVID-19.
Ito ay batay sa datos na nakalap ng Muntinlupa City Health Department sa ginawa nilang online survey noong February 1.
Sa 3,243 na residente ng lungsod na sumagot sa survey, 2,472 o 76% ang handa nang magpabakuna habang 771 o 24% ang nagsabing “no to vaccination” o hindi magpapabakuna.
Batay sa kanilang datos, karamihan sa mga ayaw magpabakuna ay takot sa masamang epekto ng COVID-19 vaccine.
Samantala, nasa 5,600 na resident ng lungsod ang target na mabakunahan ng lokal na pamahalaan kada araw.
Facebook Comments