Manila, Philippines – Pinayuhan ni PNP Chief PDG Ronald “bato” dela Rosa ang mga residente ng Ozamiz City na wag matakot at ituloy Lang ang kanilang normal na pamumuhay.
Ito’y matapos kumalat ang mga text messages na nagbabala sa mga residente na wag lumabas ng kanilang mga tahanan dahil sa posibleng kaguluhan na mangyayari sa siyudad.
Ayon sa PNP Chief, naka alerto Ang Ozamiz PNP sa anumang possibleng banta mula sa mga kaalyado ng napaslang na Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog.
Pero May posibilidad din aniyang samantalahin ng ibang teroristang grupo ang pagkakataon na maghasik ng kaguluhan sa siyudad, kayat nagpadala na augmentation force ang PNP sa Ozamiz para I-secure ang siyudad.
Ayon sa PNP Chief, sa ngayon ay tahimik ang ozamiz at kung mayroon mang panganib ay aabisuhan ng PNP Ang mga mamamayan.
Kasabay nito, hiniling din dela Rosa ang kooperasyon ng mga residente ng Ozamiz sa pamamagitan ng pag-report ng mga kahina-hinalang tao sa mga autoridad.