Global Cebu FC, pinaluhod ang Meralco Manila habang nabigo naman ang Ceres Negros FC sa Singapore

Sports – Sinalpak ni OJ ClariƱo ang bola sa 68th minute para pataubin ng bumibisitang Global Cebu FC ang FC Meralco Manila, 2-1 sa pagpapatuloy ng Philippines Football League sa Rizal Memorial Stadium.

Ito ang unang laro ng Meralco na wala na sa koponan ang magkapatid na Phil at James Younghusband. Ito rin ang ikalawang talo ng Sparks sa liga habang umakyat sa third place ang mga Cebuano sa overall team standings.

Samantala, natalo naman ang Ceres Negros FC, 2-1 kontra Home United FC sa 1st leg ng AFC Cup Asean Zonal Finals sa Jalan Besar Stadium sa Singapore.


Pero kahit natalo nakakuha naman ng mahalagang away goal ang Busmen sa strike ni Martin Steuble.

Muling maghaharap ang dalawang koponan sa August 9 sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

Facebook Comments