Mga residente ng Pasig, hinikayat na magdownload ng “QR code” kaugnay sa COVID-19

Pinag-utos ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga residente nito na i-download ang Quick Response (QR) code para sa contact tracing kaugnay sa Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa lungsod.

Bago i-download ang QR Code ayon kay Sotto, ang kailangan muna ay sagutan ang online form na Pasig Pass na makikita naman sa pasigpass.pasigcity.gov.ph.

Paalala lamang niya na iwasang i-post ang QR Code sa social media para hindi ito madownload o magamit ng ibang tao.


Kasabay nito ang pagbukas ng Pasig Health Monitor na isang bagong health information management system ng lungsod, kung saan mayroon itong tatlong components tulad ng Pasig Pass para sa contact tracing solution, Patient Records para sa database ng medical records, at Resource Management para sa integrated inventory ng City’s health resources.

Sa pamamagitan aniya nito, mas mabilis ang magiging koordinasyon ng iba’t ibang sangay ng ating City Health Department na may kinalaman sa COVID-19 medical response.

Facebook Comments