Mga residente ng QC na may sintomas ng COVID-19, pwede nang magpakonsulta sa doktor nang hindi na kailangang magtungo sa ospital

Maaari nang makahingi ng payong medical ang isang pasyente sa Quezon City na may sintomas ng Coronavirus Disease kahit hindi na magtungo sa mga doctor at hospital.

Inilunsad ng pamahalaang lokal ang Telecommunications on Medical (TeleMed) consultation na may layong maihatid sa komunidad ang serbisyong medikal.

Maaaring lang buksan ng mga residente ng lungsod ang WebEx link para makausap niya ang isang doktor at makahingi ng payong medical.


Online na rin ang pagbibigay ng reseta para maiwasan ang face-to-face consultation.

Kung wala namang kakayahang makabili ng gamot ang isang asymptomatic patient, maaari ring ihatid ng QC Local Government Unit (LGU) ang gamot sa mga Grab partners nito.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ginawa nila ang online consultation para mabilis na maibigay ang medical service sa mga residente ng lungsod.

Paalala ni Belmonte, prayoridad lamang muna sa ngayon sa COVID-19 ang target ng TeleMed ngunit kalaunan ay isasama na rin nila ang ibang health concern na maaaring itanong sa mga online doctors.

Facebook Comments