Preso sa Mandaluyong City Jail, patay matapos mang-agaw ng baril ng jail guard; 2 pulis, sugatan

86

Patay ang isang preso habang sugatan naman ang dalawang pulis ng Mandaluyong City Jail matapos mang-agaw ng baril sa isang Policewoman ang bilanggo.

Kinilala ni Mandaluyong City Police Col. Hector Grijaldo ang napatay na preso na si Emerson Bernaldez y Caya, na may kasong Alarm Scandal habang sugatan ang dalawang pulis na sina Police Corporal Shane Tolyaden Mabagtag at Police Corporal Michelle Unating De Jesus.


Sa inisyal na report, inilabas lamang sa selda ang preso para magtungo sa banyo ngunit bigla itong nang-agaw ng baril na naging dahilan ng komusyon.

Agad rumesponde ang mga tropa ng Mandaluyong Police at nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at ng nasabing bilanggo.

Tinamaan sa kamay at kanilang katawan ang dalawang pulis habang patay naman si Bernaldez matapos itong barilin at tumalon sa ikalawang palapag ng City Jail.

Dinala na sa malapit na hospital ang dalawang pulis habang sinuri na ng Scene of the Crime Operatives ang bangkay ng napatay na preso.




Dagdag pa ni Col. Grijalda, ilang araw pa lang daw na nakakulong si Bernaldez at napansin nilang balisa ito bago mangyari ang pang-aagaw niya ng baril.

Facebook Comments