Mga residente ng Taytay, Rizal na nais na magpakonsulta sa mga doktor, hindi na kailangang magpunta sa hospital

Inihayag ngayon ni Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula na hindi na kailangan pang magtungo sa hospital o health center ang mga residenteng nais na humingi ng payong medical at iba pang pangangailangang medical.

Ayon kay Mayor Gacula, sa pamamagitan lamang ng “tele-konsulta” program, ng Taytay, Rizal Government ay magkakaroon na ng free medical consultations ang mga residente sa pamamagitan ng online habang sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan bunsod ng community quarantine.

Dagdag pa ni Mayor Gacula, magkakaroon lamang ng physical appearance kung talagang kailangan sa sakit ng pasyente at saka lang din sya i-a-accomodate ng doktor.


Giit pa ng alkalde, ang Taytay Municipal Health Officer na si Dr. Jeffrey Roxas, ay nagpaplano ring gumawa ng Zoom meeting, para kahit nasa bahay ang pasyente at may naramdaman ito ay pwede ng mag-video call para makausap ng pasyente ang mga doktor ng Taytay Emergency Hospital.

Facebook Comments