Mga residente sa Arnaiz St. sa Makati, nabulabog sa malakas na pagsabog mula sa hinihinalang LPG leak

Nabulabog ang ilang residente sa Arnaiz Street sa Barangay Pio del Pilar sa Makati City dahil sa malakas na pagsabog.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Makati City Fire Station, hinihinalang nag-leak na LPG ang sanhi ng pagsabog sa isang business establishment.

Ayon sa salaysay ng ilang residente, alas-8:00 ng umaga nang makarinig sila ng malakas na pagsabog sa nasabing lugar.


Wala rin umano ang may-ari ng establisyemento nang mangyari ang insidente.

Nagtulungan naman ang mga residente at mga tauhan ng barangay upang maapula agad ang apoy gamit ang fire extinguisher.

Wala naman naitalang nasawi o nasaktan sa insidente habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Facebook Comments