Mga lugar na itinuturing na areas of grave concern, posibleng madagdagan pa – PNP

Maaari pang madagdagan ang mga binabantayang areas of grave concern ng Philippine National Police (PNP).

Ang mga ito ay itinuturing na election hotspots habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Red Maranan, sa ngayon ay nananatili pa rin sa 27 lugar sa buong bansa ang mahigpit nilang binabantayan.


Paliwanag ni Maranan, depende pa rin ito sa magiging pagtanggap ng Commission on Elections (COMELEC) batay na rin sa kanilang isinumiteng update kahapon matapos ang isinagawang command conference kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Samantala, ngayong araw ay may en banc session ang COMELEC at inaasahang tatalakayin dito ang mga lugar na posibleng mapabilang sa election hotspot.

Facebook Comments