Mga residente sa Benguet, inalerto na rin sa COVID-19 UK variant

28

Inalerto ngayon ni Benguet caretaker at ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap ang mga residente sa Benguet kaugnay sa bagong COVID-19 UK variant.

Ito ay makaraang maitala ang 12 kaso ng bagong strain ng B117 sa karatig lalawigan ng Mt. Province at isang pasyente sa La Trinidad, Benguet.


Pinayuhan ni Yap ang mga constituents na gawin ang lahat ng pag-iingat laban sa UK variant ng COVID-19.

Makikipagpulong din sa local authorities ng Benguet si Yap para sa mga ilalatag na hakbang laban sa mas nakakahawang strain ng virus.

Tiniyak naman ng kongresista na tuloy-tuloy ang monitoring ng kanyang tanggapan at ang Benguet Local Government katuwang ang Department of Health (DOH) upang maiwasan ang tuluyang pagkalat ng COVID-19 UK variant.

Facebook Comments