Therapist na Korean national, arestado dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa Las Piñas City

45

Hinuli ng mga tauhan ng Las Piñas City Police Station ang isang Koreano matapos na mahuling walang suot na face mask sa Chico St., Manuela 5 Sub., Brgy. Pamplona Tres, Las Piñas City kanina.

Kinilala ang naarestong banyaga na si Han Young Jun, 51 anyos, isang therapist at kasalukuyang nakatira sa Ocampo St., Brgy. Pamplona Tres, Las Piñas City.


Sa ulat ng Las Piñas PNP, nang arestuhin ang suspek ay nakunan pa ito ng isang balisong na may habang 11 inches.

Sa ngayon, nahaharap na ito sa paglabag sa City Ordinance 1689-20 o ang No Face Mask Policy.

Facebook Comments