Mga residente sa Cavite, nababahala dahil sa pagdagsa ng mga dayuhan sa itatayong POGO hub

Nababahala na ang mga residente sa Cavite City matapos ang pagdagsa ng libu-libong mga dayuhan dahil sa itatayong Philippine Offshore Gaming Operations o POGO Hub sa kanilang lugar.

Magbubukas ng mahigit-kumulang P50,000 trabaho ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa Chinese at iba pang foreign nationals, na gustong mag-apply at tatawagin itong PAGCOR POGO Hub Covelandia.

Gagawin ng mga foreign workers, na ang mga call centers ang mag-ookupa dahil sa ibang-bansa isinasagawa ang online betting.


Kaugnay nito, nagreklamo naman ang mga mangingisda dahil simula nang simulan ang konstruksiyon sa lugar ay wala nang mahuling isda.

Nagbabala naman si Senadora Leila De Lima na posibleng sakupin at angkinin ng China ang lupain sakaling lumawak pa ang mga bibiling Chinese investor.

Iginiit naman ng President at CEO ng PAGCOR na si Andrea Domingo na may iba pang alok na trabaho ang POGO na “high end” para sa mga Philippine workers gaya ng supervising positions o iyong mangangasiwa talaga sa trabaho ng mga POGO workers.

Samantala, aabot naman sa P700 milyong piso kada buwan ang ipinapasok na pera sa online gaming sa bansa.

Facebook Comments