MGA RESIDENTE SA INFANTA, HINIHIKAYAT NA MAKIISA SA COASTAL CLEAN UP DRIVE

Patuloy ang panghihikayat ng lokal na pamahalaan ng Infanta katuwang ang mga ahensya sa mga residente na alagaan ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagdalo sa mga coastal clean-up drive.
Nito lamang, nagsagawa ng simultaneous coastal clean-up drive ang LGU Infanta katuwang Municipal Environment and Natural Resources Office, Tourism Office, PIO, BFP, Philippine Coast Guard Infanta, iba’t-ibang organisasyon, CVOs at mga mag-aaral.
Nilinis ng mga ito ang bahagi ng Sitio. Banog, Barangay Cato kung saan tulong-tulong ang lahat sa pagpulot ng mga basura at dumi sa paligid ng baybayin. Inaasahan na magsasagawa muli ng naturang programa upang mahikayat ang mga residente na maging responsable sa pagtatapon ng basura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments