Sunday, April 19, 2026

Senador, umapela na gawin din ng pamahalaan ang paraang ginamit noong pandemya para sa repatriation ng mga OFWs sa Middle East

Hinimok ni Sen. Christopher “Bong” Go ang pamahalaan na i-apply ng kasalukuyang gobyerno ang ginawang large-scale repatriation operations para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) noong panahon ng COVID-19 pandemic.

Bagamat batid ng senador na magkaiba ang pandemya at ang gyera ngayon sa Middle East, iginiit ni Go na halos hindi rin makalipad noon ang mga eroplano at nahirapan ding magsundo ng mga kababayan dahil sa dami ng restrictions.

Gayunman, sinabi ng mambabatas na maaaring gawin din ng pamahalaan ang kaparehong koordinasyon na isinagawa noong panahon ng pandemya.

Sinabi ni Go na mas maraming OFWs ang napauwi noon at tiyak aniyang kakayanin din ng Department of Migrant Workers (DMW) na maibalik sa bansa ang libo-libong Pilipino.

Katunayan, aniya, dumarami na rin ang mga kababayan sa Middle East na nagpapahayag ng pagnanais na makauwi na sa Pilipinas.

Hiling din ng mambabatas na kapag napauwi na sa bansa ang mga kababayan ay mabigyan sila ng malinaw na direksyon at kabuhayan sa pamamagitan ng reintegration programs.

Facebook Comments