Muling hinikayat ng Manila City Government ang publiko na samantalahin na ang kanilang ‘Drive-thru vaccination’ at ‘Drive-thru testing’ sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Ang naturang hakbang ay kasunod na ring nalalapit na pagsasara nito sa darating na ika-7 ng Hunyo ngayong taon.
Ayon sa Manila Public Information Office, sa loob ng apat na buwan ay umabot na sa mahigit 85,000 indibidwal ang nabakunahan sa pamamagitan ng ‘Drive-thru vaccination’ kung saan hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng pagsasara ng naturag testing at vaccination center.
Paliwanag pa ng local government na maliban sa mga residente ng Maynila, maaari rin magpabakuna rito ng booster shot ang mga residente mula sa ibat-ibang lungsod.
Matatandaan, noong January 13 ng umpisahan ang 24/7 vaccination sa lungsod ng Maynila.