2-milyong doses ng COVID-19 vaccines, mag-e-expire sa June

50

Aabot sa dalawang milyong doses ng COVID-19 vaccines ang mag-e-expire sa katapusan ng Hunyo.

Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, masasayang ang mga bakuna kapag hindi nagamit bago ang June 30.

Bunga nito, nagsumite na aniya ang Department of Health (DOH) ng demand forecast para sa 34 milyong doses ng bakuna.


Kabilang sa mga brand na malapit nang mag-expire ang Sinovac, AstraZeneca at Pfizer

Facebook Comments